<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar/1675978235894282640?origin\x3dhttp://carlthehero.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Carl
092690
Isang College Freshie
UP Diliman - BS ECE
Dating Taga-Makati Science
Problemado sa Plates
Adik sa TV

September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 December 2008
Padre Salvi Main Padre Salvi Annex



Designer: Exposed & SW
Images: Heroes Pictures
Brushes: 8nero
Textures: CS.net

Wednesday, March 12, 2008
Let It Be! Final 12 AI Performances reactions.

Nyemas. [stat ni Cielo Amistoso sa ym ngayon lang]. Hindi ko pa rin tapos ang MP ko. At hindi ko pa rin naiimagine na matatapos ko siya. Ang kailangan ko na lang magawa ay gawing infinite loop ang laro [Do you want to play at Do you want to quit mode...]. Dahil nagsasawa rin naman akong kausapin ang computer, nagside trip akong manood ng American Idol.

Anu ba ang masasabi ko sa bagong set? Uhm, bagung bago siya sa paningin ko. Lalo na yung maliit na screen [na dati malaki.. magastos ata sa kuryente]. The best ang gabi kasi mula sa Lennon-McCartney Songbook ang pagpipiliang mga kanta. As usual, may ranking na naman ako.. Go go na!

12

Kristy Lee Cook
Sang: Eight Days A Week, by DUH.. The Beatles

Grabe. Di ko alam kung ano nangyari nung kumakanta siya. Hindi country-able ang kantang pinili niya eh. Sana "Hard Days Night" na lang ang pinili niya [mukhang wala ata sa 25 songs]. Ayoko nung glittery dress.

11

Syesha Mercado
Sang: Got To Get You Into My Life

Napuri siya pero ayaw ko sa performance niya. Masyadong forgettable. Biniritan lang niya kasi.

10

David Hernandez
Sang: I Saw Her Standing There

Not his best performance. Nagmistula lamang itong worse version ng Papa was a Rolling Stone niya. Sana galingan niya next time.

9

David Archuleta
Sang: We Can Work It Out

Wah. Beatles ang nagangat sa kanya [actually si John Lennon lang]. Dinali din siya ng Beatles. Well. Sabi nga ni Toni / At Melai, hindi niya genre iyon. At C'mon, alam mo ba lahat ng Beatles Songs?? Haha. Pero performance wise, nagkalat talaga siya. Di naman maaalis itong si Totoy kaya galingan na lang niya next week.

8

Amanda Overmyer
Sang: You Can't Do That

Maganda lang. Wala na akong ibang masabi. Di ko rin kasi naintindihan ang words ng sinasabi niya.

7

Ramiele Malubay
Sang: In My Life

Haha. Amboring daw. Pero natuwa naman ako. Kasi diba, kapag mellow ang kanta mo, mahahalata agad ang mga shivers sa pagkanta, eh wala siya nun. Hindi lang sila sanay sa pampatulog na kanta.

6

Jason Castro
Sang: If I Fell

Pareho ako ng reaction kay Ramiele at Jason [Haha. Labtim sila, promise]. Natuwa ako sa pagkamellow. Sana may duets naman ang AI.

5

Michael Johns
Sang: Across the Universe

Mas gusto ko mag mellow si Michael Johns kasi ayaw ko na gumagalaw galaw siya. Nakakainis kasi yun. Mediocre lang ang performance niya ngayon. Tolerable.

4

Chikezie
Sang: She's a Woman

Dito ako maraming masasabi. Una, gulat ako sa malaAmanda Overmyer grunts niya. Pero the best ang arrangements niya. Pangalawa, parang may kamukha siyang artista, di ko lang alam kung sino. Pangatlo, ngayon ko lang nasabing deserving siya sa Top 12. Kahit na ayaw ko sa kanya.

3

Carly Smithson
Sang: Come Together

Haha. Diba kinumpara siya kay Kelly Clarkson. Kasi naman carLY smithSON. kelLY clarkSON. Pareho ng letters yung dulo. Pareho pa ng number of letters sa name. Haha. Pareho pang mabirit. Hindi na ako galit sa mga plants!! Haha.

[plant = inilagay daw ng mga producers para dumami ang magaling sa show]

2

David Cook
Sang: Eleanor Rigby

Kala ko kung ano na ito. The best ang stage presence nito. Saka astig yung lighting nung kumakanta siya. The next Daughtry to, promise. LSS pa rin ako sa Hello niya last week

1

Brooke White
Sang: Let It Be

I love the song. I love the commitment. Dawg. Dawg. I love the piano. I love Brooke. Grabe.

~~

Top 100 sila next week. Top 100 downloaded songs on iTunes. Sana maganda ang kalabasan.


|

I save the cheerleader, You save the world @ 3:17 AM