<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d1675978235894282640\x26blogName\x3dAng+Sidekick+ni+Hiro+at+Ando\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://carlthehero.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://carlthehero.blogspot.com/\x26vt\x3d-565601560654077513', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Carl
092690
Isang College Freshie
UP Diliman - BS ECE
Dating Taga-Makati Science
Problemado sa Plates
Adik sa TV

September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 December 2008
Padre Salvi Main Padre Salvi Annex



Designer: Exposed & SW
Images: Heroes Pictures
Brushes: 8nero
Textures: CS.net

Thursday, October 25, 2007
PBB Update + First Sem Grades




Ayan nga. Hindi yan isang mirakulo. Grades ko yan! Woohoo! Di ko akalaing makakaCS pa ko sa lagay na to. Salamat sa aking Math 17, natupad ang aking CS Dreams. I got a GWA of 1.605(something). Masaya na ako dito. Walang grades lower than 2.00. Sana magpatuloy hanggang paggraduate.

~~

Kung nanood kayo kagabi ng PBB, isinentro sa HoH at kanyang mga alalay ang kwento. Talaga nga namang nakakainis si Baron. Alam na nga ng lahat na tamad siya, sinabi pa niya na hindi siya tamad. Nakaaway pa niya itong si Megan na taimtim na sumusunod sa mga pinagagawa ni HoH Ethel. Ayan tuloy, naparusahan si Donnie. Iniwan nila tayo sa isang cliffhanger kung ano ang gagawing desisyon ni Baron ukol sa parusa ng kanyang kuya.

~

Pumunta naman tayo sa loveteam nina Will at Riza kung saan tatakbo akong vice president ng fans club nila kung sakali. Haha. Joke lang.

Ito ngang sinasabing tulay na si Jen ay naiinlove na rin daw kay Will. Haha. Nagkakamabutihan na kasi itong si Will at Riza na gustong-gusto naman ng mga taong katulad ko. Haha.


|

I save the cheerleader, You save the world @ 7:21 PM




Saturday, October 20, 2007
PBBCE2 Titles at Survivor Reactions

Nako. Commercial Break ng PBB.

Tulad ng pinromise ko, magcocomment na ako sa mga titulo nila.

  • Will (True Lover) - Putek. Simula pa lang ng pagpapakilala, yan na agad ang title na bubungad sakin? Ako rin naman ah. True Lover. JOKE na malaki! Pero nice naman ang title na yan. Dapat niya itong panghawakan
  • Megan (The Princess of Charm) - Charming naman itong si Megan para sa akin. Ewan ko pero I understand conyos na! They're like parang you know.. They are like us only they are more sensitive to things.
  • Riza (Desirable Diva) - Desire nga ang dulot nitong hot beauty queen na ito. Napatibok na niya agad ang puso ng ating resident True Lover. Haha. Ei, may Will-Riza Fans Club na ba? Vice President dapat ako ha!
  • Ruben (Komedyanteng Promdi) - Akala ko nung una si Empoy. Pero elibs ako sa Budots Dance. Ok naman siya. He does his role in the house. Masaya naman ang mga scenes niya lalo na with Ethel. Ang lame nung title nya.
  • Yayo (Mom in Distress) - Grabe. Siya na talaga ang mananalo dito. Ang lame din nung title niya. Dapat mas intriguing ang title niya, tulad ni Victor.
  • Victor (The Lonely Dreamboy) - Yun ang pamatay. Gusto ko sanang yan ang maging title ko sakaling mag PBB ako. Pero nakuha na niya eh.
  • Baron (Wild Child) - Wild talaga ang artistang ito. May Scarface pa talaga eh.
  • Marylaine (Brainy Babe) - Brainy nga itong 26k na ito, ngunit hindi naman niya ipinapamalas sa loob ng bahay. Don't worry, may time pa to change.
  • Jen (Despised Babe) - Ka despise despise ang unang impression mo sa kanya. Ngunit pag lumaon ay maaadapt mo na rin ang kanyang ugali. Di ko na siya ayaw.
  • Donnie (The Good Brother) - Mukha namang good kuya itong si Donnie. Kayang kaya niya ipagtanggol si Baron. Sino yung nagscar kay Baron? Patay patay yun.
  • Gaby (The Racing Goddess) - Wala man lang thrill sa pangalan. Dapat intriguing nga tulad ng "The Gloomy Driver". Isang Malaking JOKE.
  • Mcoy (The Real MCoy) - Kanino kaya nababagay ang title na yan? Kay Ethel? Nako...
  • Zara (The Poor Beauty Queen) - Kala ko pa naman, si Melanie Marquez na to nung una kong marinig ang title niya. Hindi ko pa rin siya kilala hanggang ngayon.
  • Jon (The English Outcast) - Parang parte naman ng World History Books si Jon dahil sa title niyang ito. Pero cool pa rin ang title. Mapapaisip ka.
  • Ethel (The Ultimate Pasaway!) - Oo. May exclamation point nga sa huli. Di rin intriguing. Nababagay ang "Sex Video Queen" sa kanya.
~~

Survivor naman!

Naalis itong si Aaron dahil nga sa tribal shuffle na nangyari. Si Frosti at Sherea ay napunta sa Fei Long samantalang si Aaron at James ay napunta sa Zhan Hu. Nagpatuloy na naman ang losing streak ng Zhan Hu kahit na nagpalitan na ito ng mga members. Sinasabi nilang ipinatalo ng Zhan Hu ang immunity challenge dahil it will help them strategically.

Naniniwala ako sa strategy ni Peih-Gee. Kelangan nga nilang magpatalo upang mapaalis ang "Fei Long" members sa kanilang tribe. Dahil kung mananalo sila, Maaalis itong sina Frosti at Sherea. Kung mag memerge ang dalawang tribong ito ay magkakaroon sila ng 5-5 na statistics. Mas magiging enjoy ang laban. Sino kaya ang magbabackstab?

~~

Nominated ang 26k duo at si Megan.

Dahil mas gusto ko si Megan..

Text BB 2 and send to 2331 (Globe and affies), 231 (Smart and affies)


|

I save the cheerleader, You save the world @ 4:59 AM




Tuesday, October 16, 2007
Papasok ba si Ethel Booba?

Excited na ako mamaya kung papasok nga ba si Ethel Booba sa loob ng bahay ni Kuya.

Sa susunod ko na gagawin ang reaksyon ko sa mga "titles" nila. Gusto ko muna sila kumpletuhin. Kaya naman ngayon, magrereact muna ako sa mga pangyayari ngayon.

  • Naparusahan si Will dahil sa isa na namang lapel mic incident - kung napanood niyo ang live stream kanina sa Studio 23, makikita niyo na naka microphone siya literally. Dahil ito sa kanyang pagkadulas sa pool while wearing his lapel. Nakakaawa naman itong si Will. Siya na nga ang gumawa ng krimen sa CR tapos may parusa na naman siya. Nahuhulaan ko na someday, magkakaroon siya ng automatic nomination.
  • Si Jen - Nako. Natamaan na niya ang kasamahan niyang si Riza dahil sa pagkataklesa niya. Maaga tong manonominate. Kailangan natin silang iligtas dahil maaalis din si Marylaine kapag naevict siya. At ayaw naming mangyari yun!
  • Namumuong tambalan - Si Will na naman. At kanyang napupusuang si Riza. Pareho naman sila sigurong TRUE LOVER. Haha. Si Will na grabe kung magmahal at si Riza na NBSB. Nakow. Perfect Combi to.
  • Si Baron - Umaariba ang pagkachickboy ni Baron sa loob ng bahay. Nahihilig na siya sa pakikipag beso beso sa mga girls. Nako tong si Baron. Haha.


|

I save the cheerleader, You save the world @ 9:42 PM




Sunday, October 14, 2007
PBBCE2: Unang Banat



Bumabalik na naman ang PBB Addict.

Well, as usual, sinubaybayan ko na naman ang PBB kahapon. Loyal kung tuturingin, pero feel ko, ilan na lang kaming mga nakakaappreciate ng kagandahan ng isang reality show. It may be scripted, pero may percent pa rin sa show na yun na totoo. I feel naman na hindi scripted (with a director and stuff) ang PBB. They just initiate situations kung saan mailalabas ng mga housemates ang kanilang mga reaksyon towards that moment. Scripted, dahil pinapaikot ng PBB ang buhay ng mga tao sa loob ng bahay. Pero hindi scripted dahil sila pa rin ang bahala kung ano ang gagawin nila sa sitwasyon na ganito, kung saan paglalaruan sila ng mga tao sa paligid.

Ok, bago pa ko magdrama, uunahan ko na ang emosyon na ito sa pamamagitan ng pagrereact sa unang 10 housemates sa PBBCE2.

  1. Will Devaughn - Hindi ko siya kilala by face. But I know he is a model. Di ko lang talaga maalala ang hitsura niya. Di bale, maaalala ko rin siya. Mabibigla na lang ako kung makita ko siya kung saan saang commercial. I think he will be eliminated at the middle.
  2. Megan Young - Kalilipat lang galing siyete. She surely made the right choice of joining PBBCE2. Makikilala na natin siya more than her other Starstruck mates. Maeeliminate siya pagkatapos ni Will Devaughn..
  3. Riza Santos - Isang soldier na beauty queen. Maganda naman siya, in fairness. Maaalis bago mag Big 4.
  4. Ruben Gonzaga - I want to learn the Budotz Dance. Makikita niyo kong isasayaw ko yan habang nasa UP. (haha) Obviously, the comedic savior of PBBCE2. Isa sa Big 4.
  5. Victor Basa - Mala Zanjoe ng batch na ito. As in talagang mala Zanjoe na hindi gagawa sa loob ng bahay etc. Isa sa Big 4.
  6. Yayo Aguila - Syempre, kailangan ng rep na katulad niya. Alangan namang puro bata ang papasok? Isa sa Big 4.
  7. Baron Geisler - No Comment. Maaalis ng maaga. Siya ang dahilan kung bakit maaalis din si Donald Geisler.
  8. Marylaine Viernes - Haha. Syempre kailangan ng Deal or No Deal sa ganunan. Maaalis ng maaga dahil kay Jen De Silva.
  9. Jen De Silva - Manonominate agad to. Maaalis din agad. Period.
  10. Donald Geisler - Maganda sana na nasa loob siya ng bahay ngunit sa twist eh maaalis siya dahil kay Baron.

Sayang at wala na si Ethel Booba. Nag back out kasi. It's nice to have her there. Nako. Ang alam ko lang sa mga susunod na papasok eh si Mcoy Fundales.

_fin_

Simultaneous post sa http://padresalvi.multiply.com

Labels:


|

I save the cheerleader, You save the world @ 6:05 PM