<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/1675978235894282640?origin\x3dhttp://carlthehero.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Carl
092690
Isang College Freshie
UP Diliman - BS ECE
Dating Taga-Makati Science
Problemado sa Plates
Adik sa TV

September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 December 2008
Padre Salvi Main Padre Salvi Annex



Designer: Exposed & SW
Images: Heroes Pictures
Brushes: 8nero
Textures: CS.net

Friday, February 15, 2008
Para sa aking 'Pudgy'^

Graduation na yata nung huli kitang makita.

Hindi ko na alam ang mga nangyayari sa buhay mo. Nakalimutan ko na kasi ang number ng cellphone mo. Ayaw ko namang itanong kasi paghihinalaan nila ako. At saka wala naman talaga akong sasabihin sa iyo kung sakali. Kahit sa cellphone ay natotorpe pa rin ako.

Sori nga pala dahil inatake ako ng sakit kong iyon nung mga huling araw tayong nagkasama. Di tulad noong mga araw na magkasabay lagi tayo sa jeep. Lahat na naikwento ko sa iyo. Tawa ka pa ng tawa. Namimiss ko iyon. Magkalapit pala ang mga bahay natin. Maghihiwalay lang tayo dun sa traysikelan. Naaalala ko pa nung sinabi mo sa akin kung gaano kalayo ang bahay niyo mula sa amin. Anim na raang dipa, sabi mo.

Naaalala ko rin noon, pumasok tayo sa tindahan. Pinipilit ako nung tindera na ilibre kita. Tutal naman daw, girlfriend kita. Ewan ko ba nun sa tindera. Ngumiti ako. Di na kita tiningnan. Itinatago ko ang namumula kong mukha sa iyo.

Isa pa pala. First Dance kita nung Prom. Siguro galit ka na noon sa akin. Pero salamat at pinagbigyan mo ang makulit na may crush sayo noon. Ang ganda mo pala noon. Di ko nasabi.

Kapag bumababa ako ng jeep doon sa may traysikelan. Tumitingin ako sa dinadaanan mo papunta sa iyong bahay. Wala ka.

Sakaling makita kita muli, ibabalik ko ang dati nating pagsasama. Yung pinakauna. Yung sandaling nakita kita sa jeep na sinasakyan ko. Nung tumawa tayo nang matagal na ibinalik ang sukli ko sa jeep. Nung may butas na t-shirt ang lalaking nasa harapan natin. Nung umuulan ng malakas. Nung nadapa ka sa overpass kasama ako.

Pero hindi na noong oras na nailang ako sa iyo. Yung dating tayo. Yung tinext mo sa akin dati. Super Friends.

* isang malikhaing pagsulat. hindi masasabing nanggaling sa totoong buhay. nagmula lang ito sa magulong isip ng nagsulat.

^ Pudgy - nickname ni Bianca Gonzalez noong PBB.


|

I save the cheerleader, You save the world @ 1:12 AM